Linggo, Hunyo 14, 2009

Identity Crisis!!!!

Identity Crisis!...... Marahil pamilyar na kayo sa salitang nabanggit. Maraming pag-aaral na ang nagawa ukol dito kung saan, marami ang nagkakaroon ng problema sa kanilang pagkatao. Hindi nila malaman kung ano ba talaga ang tunay na sila or kung ano ba talaga ang hinahanap nila sa kanilang mga sari-sarili. Nagkakaroon sila ng pakiramdam na para bang may kulang sa kanila. Karaniwan ang mga ganitong kaso sa mga teenager, hindi nila alam kung saan ba talaga bibilang or kung saan sila lulugar. Kaya naman nagsisilitawan ang iba't ibang mga sekswalidad tulad ng silahis, kung saan, ang isang babae o kaya'y lalaki ay nagkakaroon ng sekswal na atraksyon sa parehas na sekswalidad.
Kung ako'y tatanungin ninyo ukol sa ganitong isyu, mayroon akong ibabahagi sa inyo na isang karanasan ukol dito. Itago nalang natin sa ngalang Pol, ang aking kaibigan na nagkaroon ng problema sa kanyang kasarian. Ayon sa kaibigan kong ito, isa siyang tahimik na bata, hindi kakikitaan ng kabaklaan, noong siya'y bata pa lamang. Dahil nga isa siyang tahimik na bata at wala pang muwang sa mundo, isang araw ay naganap ang di inaasahan sa kanyang pagka-inosente. Inabuso siya ng isa niyang kapithbahay na silahis. At naulit pa ito ng dalwa pa o ilan pang beses. Dahil bata pa nga siya noong kapanahunang iyon, hindi pa ito nagkaroon ng epekto sa kaniyang kasarian. Hanggang sa siya'y lumaki, nag-aral sa isang eksklusibong paaralan. Naging masipag at matiyaga siyang mag-aaral. At dahil sa kaniyang pagtitiyaga, namunga naman ng mga parangal ang mga ito noong kanyang elementarya. Hanggang nagkaroon siya na kung tawagin natin ay "CRUSH" sa isang babae na karaniwan na sa mga teenager. Nagkaroon siya ng nobya sa edad na 12. Pero noong siya'y nasa high school na, ay nagkaroon siya ng sekswal na atraksiyon sa kaniyang kapwa lalaki. Ito ay hindi niya lubos na maintindihan kung bakit naramdaman niya ang ganitong pakiramdaman. Hanggang sa ito'y naulit pa ng makailang beses. Marahil, hindi kaya dahil sa naging karanasan niya noong siya'y bata pa sa kapitbahay niyang silahis? Bagama't wala siyang naging karelasyon sa kapwa lalaki, pakiramdam pa rin niya na mayroong problema ukol sa kaniyang kasarian.
At doon na nag-umpisa ang kanyang problemang pangkasarian.
Sa ganitong karanasan, hays....hindi ko din alam. Marahil ang mga makasasagot ay yaong may ganito ring karanasan o katulad na kasarian. Kailangan ko pang lawakan ang aking pananaliksik ukol sa ganitong isyu. Hanggang sa muli, mga KABUNGANGAAN..... AJIJIJI..... Sa inyong mga komento, eksperyensya, o opinyon ukol dito, maaari po lamang i-click nyo po sa ibaba, at i-post sa komento. Makatutulong po yaan para sa aking kaibigan at para sa kabatiran ng nakararaming may ganitong eksperyensya. Maraming salamat po.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento